Nagsadya sa ospital ang tinaguriang “Man of Many Professions” na si Johnny Sins dahil sa pinsalang natamo sa likod niya.
Sa isang Facebook post kamakailan, makikita ang selfie niya habang nasa loob ng ospital.
“Sometimes even a Doctor needs a doctor! Injured back, sciatica pain, 6-12 weeks recovery,” saad ni Johnny sa caption.
At base naman sa kaniyang latest Facebook post nitong Lunes, Marso 2, kasalukuyan siyang nasa Dubai para sa pagpapatuloy ng kaniyang treatment.
Aniya, “Currently in Dubai getting treatment for my back, not the best place to be right now, but the healthcare is amazing.”
“Hopefully flying out in a few days. Stay safe out there!” dugtong pa ni Johnny.
Si Johnny ay isang tanyag na porn star na kilala sa pagganap niya bilang doktor, tubero, teacher, at iba pa sa kaniyang mga adult content.