Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatili umano silang handa sa anomang posibilidad na bantang idulot ng sigalot sa pagitan ng mga bansang Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Ayon sa isinagawang press briefing ni PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., sa PNP National Headquarters Lobby sa Camp Crame nitong Lunes, Marso 2, 2026, sinabi niyang huwag daw mabahala ang publiko dahil alerto pa raw sila.
“So far, the conflict in the Middle East—and not only in the Middle East—involving our partners here ay wala pa namang nangyari. Huwag dapat mabahala ang ating mga kababayan para sa ganiyan na nangyayari. Of course we are still on guard,” pagsisimula niya.
Ani Nartatez, nananatili pa rin daw na matatag ang kanilang pananagutan para siguraduhin ang seguridad ng publiko, may nangyayari man daw na sigalot sa iba’t ibang mga bansa o wala.
“With or without the conflict in the Middle East, the Philippine National Police is standing firm especially in our commitment to keep the public safe…” aniya.
Dagdag pa niya, “Aside from that, we are looking at the different organizations, different health establishments, and the particular personalities.”
Pagpapatuloy ng heneral, mahigpit din umano nilang binabantayan ang mga embahada at ambassador ng US at Israel na nasa loob ng bansa.
“Nand’yan ang ating US Embassy Israel VIPs, the ambassadors, etc., and 'yung establishments nila and their activities. So kailangan natin i-secure 'yun,” paglilinaw niya.
Bukod sa mga ito, higit na mahalaga rin daw na mabantayan ang Pilipinas dahil kakampi ito ng mga nasabing nag-aalitang bansa.
“Not only them but of course tayo na because we have ally to be to these two countries and the rest of the countries na ally to them,” pagtatapos niya.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?
KAUGNAY NA BALITA: Trump, nagbabala sa Iran: 'Lay down your weapons or face certain deaths!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita