March 02, 2026

Home BALITA National

Pang-asar kay VP Sara, DDS? Rep. De Lima, binuyangyang laman ng maleta, paper bag

Pang-asar kay VP Sara, DDS? Rep. De Lima, binuyangyang laman ng maleta, paper bag
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from Leila De Lima (FB)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang ibinahaging video ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila De Lima kung saan makikitang may bitbit siyang isang maleta at paper bag.

"POV: Ang laman ng maleta at paper bag ni De Lima," mababasa sa caption ng video.

Sa video, makikitang habang naka-Filipiniana si De Lima ay naglalakad siya habang hila ang isang maleta at tangan naman ang isang paper bag.

Pagdating sa opisina, ang laman pala ng maleta ay mga dokumento kaugnay sa "impeachment."

Batay sa nakalagay na label, maaaring tumutukoy ang mga dokumentong ito sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

National

De Lima, ipinapanukala 'fuel subsidy' para sa nakaambang epekto ng US-Israel, Iran war

Matatandaang kamakailan lamang, napasama ang pangalan ni De Lima sa mga binitiwang akusasyon ng 18 ex-marines na umano'y dating nagdedeliver ng mga male-maletang pera kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at iba pang personalidad.

Ang rebelasyon ay kinatawan ni Atty. Levito “Levi” Baligod.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Baligod na nagkamali siya sa pagdawit kay De Lima sa mga umano'y nakatanggap ng male-maletang pera; bagkus, bagama’t hindi maleta ang natanggap ni De Lima, nilinaw niyang isang paper bag na umano'y naglalaman ng pera naman daw ang nakita nilang bitbit niya sa paglabas sa naturang townhouse.

Kaugnay na Balita: 'Error on my part!' Atty. Baligod, nilinaw na walang natanggap na maleta ng pera si Rep. De Lima

Kaugnay na Balita: De Lima, bibigyan ng leksyon si Baligod at 18 ex-marines?

Samantala, sinabi naman ng mga netizen sa comment section na tila "pang-asar" daw ang video laban kay VP Sara.

"Oh mga dds ayan talaga tunay laman ng maleta at paper bag."

"Nalaman tuloy ang tunay na laman ng paper bag at maleta hahhahaha"

"pang-asar ba 'yan kay Inday hahaha"

"hahhahahah perfect madam laruin m ang mga dds hahahah."

"Unboxing si Madame Atty. Leila de Lima! Now they know po kung anong “laman ng maleta” ninyo."