March 03, 2026

Home BALITA Internasyonal

OFWs sa Saudi Arabia, binalaan sa pag-upload ng mga larawan at videos

OFWs sa Saudi Arabia, binalaan sa pag-upload ng mga larawan at videos
Photo courtesy: Philippine Embassy in Saudi Arabia (FB), Leo Correa (AP Photo)

Pinaalalahanan ng Philippine Embassy ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia nitong Lunes, Marso 2, hinggil sa pagkuha ng mga litrato at videos sa kasagsagan ng gulo sa iba’t ibang bansa sa Middle East kamakailan. 

Sa pahayag ng Embahada, binanggit na ang pag-upload o pagbabahagi ng mga larawan o video ng mga ipinagbabawal at limitadong lugar sa Saudi, ay posibleng mapatawan ng mga legal na implikasyon

Ilan sa mga limitadong lugar na ito ay ang mga pasilidad ng militar at gobyerno. 

Sa kaugnay na ulat, unang inanunsyo ni US President Donald Trump noong Sabado, Pebrero 28, ang simula ng pag-atake nila sa Iran. 

Dito ay inisa-isa pa ni Trump ang mga umano’y matagal nang pag-atake ng Iran sa US military, maging sa mga mamamayan nito at iba pang mga bansang kaalyado nila. 

Internasyonal

US, ipinag-utos madaliang paglikas ng mga Kano sa Middle East sanhi ng giyera

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

KAUGNAY NA BALITA: Trump, nagbabala sa Iran: 'Lay down your weapons or face certain deaths!'

Sean Antonio/BALITA