March 02, 2026

Home BALITA Probinsya

Minerong nagmamaneho ng bulldozer, nalibing nang buhay dahil sa landslide!

Minerong nagmamaneho ng bulldozer, nalibing nang buhay dahil sa landslide!

Isang minero ang nasawi matapos magkaroon ng landslide sa isang coal mining pit sa Caluya, Antique noong Linggo, Marso 1, 2026.

Minero asng biktima sa Semirara Mining and Power Corp. (SMPC) kilala bilang pinakamalaking coal producer sa bansa.

Ayon sa Caluya Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima na si alyas "Ronilo," 48 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang isang bulldozer nang mangyari ang landslide kung saan siya natabunan nang buhay.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ng mga awtoridad na tatlong katao raw ang nasawi sa nasabing landslide at igniit na tanging si Ronilo lamang ang nag-iisang biktima at wala na raw naiulat pang nasaktan sa naturang trahedya.

Probinsya

Bride-to-be na isinukat bridal gown at wedding ring, patay sa aksidente!

Samantala, ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Marso 2, napag-alamang may iba't ibang trahedya nang nangyari sa mga nakalipas na taon sa operasyon ng SMPC kung saan ilang minero na rin ang napaulat na nasawi.

Taong 2013 nang mapaulat na limang minero ang nasawi sa nasabing minehan at nasundan pa ito ng siyam na minerong nasawi rin noong 2015 habang isang minero naman ang napaulat ding natabunan ng mudslide noong 2018.