March 02, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mala-Jinkee ang datingan! Jillian Ward todo-suporta sa bakbakan, 'Big Guy' si Eman Bacosa Pacquiao

Mala-Jinkee ang datingan! Jillian Ward todo-suporta sa bakbakan, 'Big Guy' si Eman Bacosa Pacquiao
Photo courtesy: Jillian Ward (FB/TikTok)

Marami ang napapatanong kung ano raw ba ang real status sa pagitan ng Kapuso star na si Jillian Ward at ang kapwa Sparkle artist at anak ni Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao, na si Eman Bacosa Pacquiao.

Simula kasi nang pasukin ni Eman ang showbiz at amining crush niya si Jillian, tila napapadalas ang mga ganap na magkasama sila.

Kaugnay na Balita: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!

Recently nga, naispatan si Jillian na nakaupo sa audience para sumuporta sa laban ni Eman.

Todo-flex pa si Jillian sa mga larawan ni Eman at tinawag pa siyang "future world champion" sa larangan ng boxing, na obviously ay sumusunod sa yapak ng kaniyang amang si PacMan.

Relasyon at Hiwalayan

Tom Holland, Zendaya kasal na!—stylist

May mga nagsasabi pa ngang mala-Jinkee Pacquiao nga raw ang datingan ni Jillian, na todo-suporta rin sa kaniyang esposo kapag sumasalang sa boxing arena.

Bukod pa rito, kinakiligan din ng mga netizen ang TikTok video ni Jillian sa saliw ng awiting "Big Guy," kung saan, si Eman nga ang lalaking nasa likod niya at nagpapakita ng biceps.

Tanong tuloy ng marami, ito raw ba ay "gimik" lang para makakuha ng clout ang posibleng nilulutong love team sa kanila ng GMA Network, o talagang totohanan na?

Kaugnay na Balita: Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!

Well, sila lang ang makakapagsabi niyan sa takdang panahon.