Ikinasal na ang celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles nitong Linggo, Marso 1, sa pamamagitan ng isang beach wedding sa Amorita Resort, Panglao, Bohol.
In fairness, mga bigatin ang mga panauhin nila at kasama sa entourage, mula sa mga kapwa celebrity at iba't ibang personalidad.
Makikita sa social media platform ni Kim ang video ng kaniyang paglakad sa kasal, na inilarawan niya bilang "A dream walk to remember."
Batay naman sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), bigatin ang mga kinuhang ninong at ninang ng dalawa.
Para sa mga ninong, ito ay sna Viva Chairman Vic del Rosario Jr., Butch Jimenez, Aga Muhlach, Kim Atienza, Robert Seña, Rafael Soriano, Alexander Zaraspe, Alex Uy, at Edwin Mercado.
Ang mga ninang naman ay sina Laarni Enriquez, Tricia Jimenez, Charlene Gonzalez, Isay Alvarez, Sweet Plantado, Anne Amon, Lerma Bernabe, Rosie Uy, June Rufino, at Ai-Ai delas Alas.
Si Dimples Romana naman ang matron o honor na bestfriend ni Kim sa teleseryeng "Kadenang Ginto."
Groomsmen naman ni Jerald sina Gerald Anderson, Pepe Herrera, Alex Medina, Ryan Buenviaje, Rafael Sudayan, Peter Paul Corpuz, Acey Aguilar, Nicco Manalo, at Alden Richards.
Bridesmaids naman ni Kim sina Kakai Bautista, Yassi Pressman, Yumi Lacsamana, Kakki Teodoro, Caryl Ann Paraico, Via Antonio, Abby Asistio, Angelique Aquino, Natileigh Sitoy, Niña Marie De Torres, at Adrian Lindayag.
Ang candle sponsors ay sina Miguel Jimenez at Kayla Jimenez, ang veil sponsors naman ay sina Myke Solomon at Gabriela Solomon, at ang cord sponsors ay sina Aristotle “Gloc-9” Pollisco at direktor na sina Irene Villamor.
Matatandaang nagkakilala sina Kim at Jerald sa pinagsamahang musical play na "Rak of Aegis" noong Enero 2014. Na-engage naman ang dalawa noong Agosto 2024.
Kaugnay na Balita: Engaged na! Jerald nag-propose na kay Kim, pero humingi ng pasensya