Usap-usapan ang serye ng mga makahulugang post ni Kapuso Sparkle artist Lexi Gonzales na iniuugnay sa kasalukuyang isyu ng ex-boyfriend niyang si Gil Cuerva.
Matatandaang isa umano si Gil sa apat na artistang may maselang video na pinupulutan ngayon sa social media. Tatlo pa sa mga ito ay sina Arron Villaflor, Ron Angeles, at Nikko Natividad.
Sa isang Thread post ni Lexie noong Sabado, Pebrero 28, naghayag siya ng pandidiri sa mga taong aniya’y tila langaw na nagkukumpulan sa maruming labahin ng kapuwa.
Aniya, “Disgusting how some people are like flies who flock on other people's dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth.”
“Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law,” pagpapatuloy niya sa isang hiwalay na post.
Dagdag pa ng Kapuso Sparkle artist, “Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn't know what that means kasi nothing disgusts you.”
Umabot ng tatlong taon ang relasyon ng dalawa bago maiulat ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2025.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na cryptic post ni Gil sa kaniyang social media account na pumapatungkol sa heartbreak at healing.