March 02, 2026

Home SHOWBIZ

Caprice Cayetano, ido-donate sa charity parte ng ₱1M cash prize niya sa PBB

Caprice Cayetano, ido-donate sa charity parte ng ₱1M cash prize niya sa PBB
Photo courtesy: Caprice Cayetano/IG


Muling patutunayan ni Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano na siya ay tunay na “big winner.”

Matapos kasi ang PBB stint ni Caprice, walang alinlangan niyang ibinahagi sa panayam ng “24 Oras Weekend” na ipamamahagi niya sa isang charity foundation ang parte ng kaniyang napanalunan sa naturang reality competition.

Sa ibinahagi naman niyang Instagram (IG) story noong Linggo, Marso 1, nagpasalamat si Caprice sa mga taong sumuporta sa kaniya. 

“Una sa lahat, hindi ko po inakala ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko rin po in-expect ang support na natatanggap ko ngayon, kaya sobra po akong nagpapasalamat. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!” saad ni Caprice sa kaniyang post.

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat po ako at ang buong pamilya ko. Thank you so much po sa love and support! Sobrang grateful po kami sa inyong lahat!”May mensahe rin ang Kapuso Big Winner sa mga kapwa niya kabataang Pilipino.

“Sa lahat ng kabataang Pinoy, let’s always look at the bright side of life!” anang Kapuso Big Winner.

Photo courtesy: Caprice Cayetano/IG

Matatandaang kasama ni Caprice na tinanghal bilang big winner ng PBB si Kapamilya housemate Lella Ford, anak ng singer-actress na si Karla Estrada.

Kabilang naman sa tinaguriang “Ultimate 8” ng edisyon ang dating housemates na sina Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara.

Vincent Gutierrez/BALITA

Xian Gaza, inispluk heavily fortified underground nuclear facility ng Iran