March 03, 2026

Home BALITA Probinsya

Bride-to-be na isinukat bridal gown at wedding ring, patay sa aksidente!

Bride-to-be na isinukat bridal gown at wedding ring, patay sa aksidente!

Hindi na umabot nang buhay ang isang babaeng ikakasal na sana matapos maaksidente ang motorsiklong sinasakyan nila ng kaniyang groom-to-be sa Davao Oriental.

Ayon sa mga ulat, umalis ang magkasintahan upang puntahan ang bridal gown ng biktima at upang makita rin ang wedding ring para sana sa kanilang kasal na nakatakda noong Pebrero 27, 2026 sa isang kasalang bayan.

Ayon sa boyfriend ng biktima, nagawa pang isukat ng kaniyang fiancee ang bridal gown niya at maging ang wedding ring nila ay isinuot din ng biktima upang matiyak na handa na raw sana ang lahat.

Subalit, habang pauwi sila ay may bigla na lang daw tumama na kung ano sa kanilang motorsiklo, dahilan upang mawalan ng kontrol ang boyfriend ng biktima at tuluyan silang naaksidente.

Sa halip na sa altar, sa kabaong na naisuot ng biktima ang kaniyang wedding gown. Kasalukuyan nang nakaburol ang biktima at nagpaabot naman ng pagdadalamhati ang kaanak ng magkasintahan para sana sa masiyang selebrasyon ngunit nauwi sa habambuhay na trahedya.

Probinsya

Minerong nagmamaneho ng bulldozer, nalibing nang buhay dahil sa landslide!