Naghatid ng ulat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipino sa Middle East.
Sa latest Facebook post ni Marcos Jr. nitong Linggo, Marso 1, sinabi niyang wala pa umanong Pilipinong nasasawi at nasasaktan sa mga bansang apektado ng sigalot matapos ang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran.
“As of 9:00 a.m., Sunday, wala po tayong natatanggap na report na may kaso ng casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, walang Pilipino ang nasaktan,” anang Pangulo.
Sa kasalukuyan, patuloy umano ang kanilang pagbabantay upang tiyaking nasa magandang sitwasyon ang mga Pilipino roon.
Matatandaang nauna nang ipag-utos ni Marcos Jr. sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) noong Pebrero 28 na tukuyin ang kinaroroonan ng mga Pilipino sa mga nasabing lugar.
Maki-Balita: PBBM pinag-utos sa DFA at DMW na alamin kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iran, Middle East