March 01, 2026

Home BALITA

Sen. Kiko, inaapurang ipatupad crisis protocol sa 2M Pinoy sa Middle East

Sen. Kiko, inaapurang ipatupad crisis protocol sa 2M Pinoy sa Middle East
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), via MB

Naglabas ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan matapos ang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran.

Sa latest Facebook post ni Sen. Kiko nitong Linggo, Marso 1, inilatag niya ang mga hakbang na kinakailangan umanong gawin ng gobyerno, partikular ang mga embahada ng bansa sa Middle East.

“Agad-agad na ipatupad ang crisis protocol sa mga dalawang milyong Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan doon, kabilang na ang mga isang libong nasa Iran,” saad ni Sen. Kiko.

Dagdag pa niya, “Para sa mga OFW natin, makipag-ugnayan agad sa mga community leader kung saan man kayo naroon para sa mas mabilis at maayos na evacuation o repatriation, kung anu’t ano man.”

Samantala, iminungkahi naman niya ang agarang pagpapatupad ng fuel subsidy sa mga tsuper, magsasaka, at mangingisda dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Politics

'Kawawa pati pamilya ko!' Sen. Erwin, pinagdikdikang walang planong tumakbong pagka-VP sa 2028

“Kailangan ding mabilisang ipatupad ang pansamantalang pagsuspinde ng excise tax sa diesel at kerosene para maibsan nang bahagya ang siguradong pagsirit ng fuel prices,” dugtong pa ng senador.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang Pilipinong naiuulat na nasawi at nasaktan sa mga apektadong bansa ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. 

Maki-Balita: Wala pang Pinoy na nasasawi, nasasaktan sa sigalot sa Middle East—PBBM