March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Let us unite ourselves in prayer:’ Simbahang Katolika, nanawagan ng panalangin para sa girian sa Middle East

‘Let us unite ourselves in prayer:’ Simbahang Katolika, nanawagan ng panalangin para sa girian sa Middle East
Photo courtesy: Archdiocese of Manila - Office of Communications (FB), Altaf Qadri (AP Photo)

Nanawagan ng panalangin ang Archdiocese of Manila para sa kapayapaan sa kalagitnaan ng girian ng ilang bansa sa Middle East. 

Saad sa inilabas na pahayag ng Simbahan nitong Linggo, Marso 1, ang hiling na panalangin ay ipinanawagan ni Apostolic Vicar of Southern Arabia, His Excellency Most Reverend Paolo Martinelli, OFM Cap (Ordo Fratrum Minorum Capuccinorum). 

Kung saan binanggit niya na isama sa araw-araw na pagrorosaryo at panalangin sa mga misa ang kapayapaan at seguridad sa Middle East. 

“The Apostolic Vicar of Southern Arabia, His Excellency Most Reverend Paolo Martinelli, issued an appeal in the light of the escalating situation in the Middle East, urging us to ‘remain united in prayer for peace. I invite you all to pray the rosary every day for peace and reconcilation. During all Holy Masses, let us pray for peace and the security of all people in this region,” saad sa pahayag. 

Binanggit din dito na si Cardinal Jose F. Cardinal Advincula ay nananawagan na idagdag ang “additional intentions” sa “Prayer of the Faithful” sa mga misa simula Marso 1. 

Internasyonal

'No direct threat!' AFP, tiniyak seguridad ng bansa sa kasagsagan ng gulo sa Middle East

Ang nasabing additional intention ay ang sumusunod na panalanagin: 

“Upang mamayani ang kapayapaan sa Gitnang Silangan at sa buong mundo at ipagdya nawa ang sangkatauhan sa karahasan, kasakiman at pang-aabuso ng kapangyarihan na nagdudulot ng paghihirap at kamatayan sa marami. Manalangin tayo sa Panginoon. Upang ang lahat ng mga nagdurusa dahil sa kalupitan ng digmaan ay daglian nang makaranas ng kapayapaan at mabuhay nang may kapanatagan at kalayaan. Manalangin tayo sa Panginoon.” 

Sa pagtatapos ng pahayag, ipinaalala ng Simbahan na nasa kamay pa rin ng Panginoon ang panghuhusga at pagpapataw ng kapayapaan sa mundo, sa pamamagitan ng bersong Isaias 2, 4-5. 

“He shall judge between the nations and shall decide for many peoples; and they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruning hooks; nation shall not lift sword against nation, neither shall they learn war anymore.” 

Sean Antonio/BALITA