March 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kung hinahanap n'yo si Alexa, ay, nagbibihis siya!' Mavy Legaspi, inokray sa hosting ng PBB

'Kung hinahanap n'yo si Alexa, ay, nagbibihis siya!' Mavy Legaspi, inokray sa hosting ng PBB
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live

Nag-trend sa X ang pangalan ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" Kapuso host na si Mavy Legaspi matapos punahin ng mga netizen ang paraan niya ng pagho-host, sa naganap na Big Night noong Sabado ng gabi, Pebrero 28.

Photo courtesy: Screenshot from X via Fashion Pulis

Pinutakti ng mga netizen ang isang clip kung saan makikitang siya lang mag-isang nagbasa ng spiels habang ang kasama naman niyang si Kapamilya TV host Alexa Ilacad ay wala, dahil nagbibihis daw.

Sina Mavy at Alexa ang hosts sa online at kapag Eviction Night, nakakasama rin sila sa live hosting.

Nalaman ng mga manonood na nagbibihis si Alexa dahil sinabi mismo ni Mavy.

Tsika at Intriga

Anak ni Odette Khan, umapela ng tulong para sa ina; aktres, na-confine at bedridden sa ospital

"Welcome back, Team Onlineee! Ayahhhn! Voting is officially closed! At kung hinahanap n’yo si Alexa, ayy nagbibihis siya, dahil siyempre, kailangan maganda for this Big Night," saad ni Mavy.

"Heto na mga Kapuso at Kapamilya! Right now, this is the most special moment!" saad pa niya.

Maya-maya, tinawag na ni Mavy ang mga makakasama niya sa mula sa mga nagdaang PBB edition, kabilang na ang Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri.

Pakiwari ng mga netizen ay tila kinabahan daw si Mavy dahil siya lang mag-isa nang mga sandaling iyon.

Pinansin din ng mga netizen ang tila hirap niyang pagsasalita sa wikang Filipino.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Parang kinakabahan c mavy"

"The way he talks, the way he delivers, body language, pagtayo, kamay everything is wrong."

"Nag over enunciate. Naging same sya ng rehistro sa camera as Luis Manzano."

"Akala ko ako lang nakapansin. May off talaga kanina sa paghohost niya."

"Kung nagpakatotoo kasi sya. Puwede namng seripus hosting ang atake nya kahit PBB. Pinipilit nya magpaka «cool» as host pero waley. Kung yung nstural nya at mukha naman syang magaling mag English kung nag serious atake sta sa hosting baka mas naging okay pa. At least tung ex nya marunong maghost.

Anyway, ang Big Winners ng edisyong ito ay sina Kapuso celebrity housemate Caprice Cayetano at Kapamilya celebrity housemate Lella Ford.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Mavy tungkol dito.