Kinumpirma na ng ilang Iranian media nitong Linggo, Marso 1, ang pagkakasawi ng mga kaanak ni supreme leader Ayatollah Ali Khamenei, sa isinagawang airstrikes ng United States (US) at Israel sa bansang Iran.
Kasunod ito ng anunsyong inilatag ni US President Donald Trump, kung saan ibinahagi niya ang pagkamatay ni Khamenei.
"Khamenei, one of the most evil people in History, is dead," saad ni Trump sa isang pahayag.
Ayon naman sa mga ulat, nasawi na rin sa nasabing pag-atake ang anak na babae, manugang, at apo ni Khamenei.
Gayumpaman, hindi tukoy kung nasaan ang tatlo nang sila ay masawi sa nasabing insidente.
Samantala, kinumpirma na rin ng state TV media ng Iran nitong Linggo, Marso 1, ang pagkakamatay ni Khamenei—na namuno sa bansa simula pa noong taong 1989.
Vincent Gutierrez/BALITA