March 08, 2026

Home SHOWBIZ

‘In war, no one truly wins:’ Jodi Sta. Maria, nakiisa sa mga apektadong OFWs sa Middle East

‘In war, no one truly wins:’ Jodi Sta. Maria, nakiisa sa mga apektadong OFWs sa Middle East
Photo courtesy: Jodi Sta. Maria (X), Ohad Zwigenberg (AP Photo)

Nakisimpatya ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng kasalukuyang umiiral na tensyon at sigalot sa ilang mga bansa sa Middle East kamakailan. 

“In war, no one truly wins…it’s always the people who are left living in fear, traumatised, and confused,” ani Jodi sa kaniyang X post nitong Linggo, Marso 1. 

Aniya pa, nakikiisa rin siya sa panalangin para sa kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy na kasamang naiipit sa tunggalian ng mga bansang US, Israel, at Iran. 

“Thinking of everyone affected by the US–Israel–Iran conflict, especially our fellow Filipinos in the Middle East. Praying for safety, clarity, and peace for all,” panalangin ni Jodi. 

Sa kaugnay na ulat, unang inanunsyo ni US Pres. Donald Trump noong  Sabado, Pebrero 28, ang pagsisimula umano ng pag-atake sa bansang Iran. 

Bela Padilla matapos masulatan ng script ni NA Ricky Lee: 'I can die now!'

MAKI-BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!

KAUGNAY NA BALITA: UN Sec-Gen, kinondena tensyong nagaganap sa pagitan ng US-Israel, Iran

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

Sa kasalukuyan, binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na walang Pilipinong nasawi at nasaktan sa mga bansang apektado ng tensyon sa Middle East. 

MAKI-BALITA: Wala pang Pinoy na nasasawi, nasasaktan sa sigalot sa Middle East—PBBM

Sean Antonio/BALITA