March 01, 2026

Home BALITA Probinsya

Bride-to-be na sakay ng motorsiklo, patay sa salpok ng kotseng nag-counterflow

Bride-to-be na sakay ng motorsiklo, patay sa salpok ng kotseng nag-counterflow

Nasawi ang isang 27 taong gulang na bride-to-be matapos silang mabangga ng kaniyang fiancé ng isang four-wheel vehicle habang sila ay sakay ng kanilang motorsiklo sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa mga ulat, namatay ang babaeng biktima habang nakaligtas naman ang kaniyang nobyo matapos magtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan.

Sa imbestigasyon, lumalabas na binabagtas ng dalawa ang JP Rizal Street patungong Crossing, Brgy. Uno, bandang 4:31 a.m. nang mabangga sila ng isang puting Toyota Wigo na minamaneho ng 32-anyos na umano’y tumawid sa isang one-way na interseksyon.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang dalawang sakay kahit pa kapwa sila nakasuot ng helmet.

Agad silang dinala ng mga rumespondeng awtoridad sa Dr. Jose P. Rizal Memorial Hospital bago inilipat ang nobyo ng biktima sa ibang pagamutan. Isinugod naman ang biktima sa Pamana Hospital kung saan siya idineklarang patay dakong 6:45 a.m. dahil sa traumatic brain injury.

Probinsya

Magkapatid, timbog sa illegal drug buy-bust operation

Ayon sa pamilya, nakatakda sanang ikasal ang dalawa Abril 21 at nakapaghanda na para sa kanilang kasal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng kotse at maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to property.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang Liceo de Calamba, kung saan nagtuturo ang babaeng biktima, at inilarawan siya bilang isang dedikadong guro ng Grade 5.

Inirerekomendang balita