March 01, 2026

Home BALITA Probinsya

Asong pakawala sa gabi kontra magnanakaw, nasalpok ng motorsiklo

Asong pakawala sa gabi kontra magnanakaw, nasalpok ng motorsiklo
Photo courtesy: Conributed photo

Sugatan ang isang rider matapos itong sumemplang nang masagasaan ang isang aso sa Mangaldan, Pangasinan.

Makikita sa CCTV footage ang dalawang asong tumatawid sa San Jose Street sa Barangay Guiguilonen bago dumaan ang isang motorsiklo.

Makalipas ang ilang segundo, bumalik umano sa gitna ng kalsada ang isa sa mga aso dahilan upang ito ay masagasaan ng paparating na rider. 

Bunsod nito, nawalan ng kontrol ang rider at nagpagulong-gulong sa kalsada, na nagresulta sa mga galos at sugat sa kaniyang katawan.

Ayon sa tiyahin ng biktima, pauwi na sana mula sa trabaho ang kaniyang pamangkin nang mangyari ang insidente.

Probinsya

Bride-to-be na sakay ng motorsiklo, patay sa salpok ng kotseng nag-counterflow

Depensa naman ng may-ari ng aso, tuwing gabi niya pinakakawalan ang kaniyang mga alaga bilang panangga umano laban sa mga magnanakaw.

Sa isinagawang pag-uusap sa barangay, tinalakay ng rider at ng may-ari ng aso ang posibleng tulong pinansyal para sa biktima, lalo na sa mga araw na hindi ito makakapasok sa trabaho dahil sa tinamong pinsala.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung ano ang kalagayan ng aso matapos ang insidente.