Kinaaliwan at kinakiligan ng mga netizen ang biglang paglitaw at pag-shout out sa Pilipinas ng isang taga-Netherlands habang nag-uulat nang live sa telebisyon mula sa The Hague, Netherlands ang "One News" news anchor na si Angela Lagunzad-Castro, kaugnay sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kasong crimes against humanity.
Habang nagbabalita, biglang sumingit sa likuran niya ang nabanggit na lalaki at bumati sa mga Pilipino.
"Yeah, we're live right now," saad ni Angela sa kaniya.
"For?" tanong niya.
"For the Philippines!" sagot naman ni Angela.
Natuwa naman ang lalaki nang marinig ang bansa.
"Hello, Philippines! Welcome from The Netherlands," aniya.
Maya-maya, iniabot ni Angela ang isang earphone niya at naghayag ng pagsuporta sa mga Pilipino ang nabanggit na foreign national.
"Philippines, we will support, let's come together," saad pa ng lalaki. "We're one big world Let's go!"
"Thank you," saad na lang ni Angela.
Hindi naman nakuha ni Angela ang pagkakakilanlan ng nabanggit na taga-Netherlands.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Bring afam home!"
"Bring him to the Philippines hahaha."
"Ito na ba yung Organic Encounter?"
"The foreigner was the reporter. Lol"
"bet ka nya teh hahaha"
"This is the only #BringHimHome that I'll support. Go ate."
"Bring that guy home Hahahahaha"
"May isa na naman pong Pinay ang naiahon sa hirap. Joke lang po!"
Ibinahagi naman ni Angela ang nabanggit na video clip sa kaniyang Facebook page.
"The things that happen when you report live at 3 in the morning (Hague time)," aniya.