March 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

Power bank sa loob ng bag, biglang umusok at sumabog!

Power bank sa loob ng bag, biglang umusok at sumabog!
Photo courtesy: Formosa News (YT screenshot)

Biglang umusok at sumabog ang power bank na nasa loob lamang ng bag ng isang pasahero, na nagdulot ng pagkasunog ng kaniyang buhok at mukha. 

Base sa ulat ng international media noong Biyernes, Pebrero 27, ang nasabing pasahero ay isang Taiwanese tourist na bumisita sa Busan, South Korea, at habang natutulog ito sa bus, biglang nag-apoy ang kaniyang bag dahil sa power bank na nasa loob nito, bagama’t hindi ginagamit o nagkakarga. 

Anila, nakapatong pa ang nasabing bag sa mga hita ng turista habang natutulog kaya mabilis niyang naramdaman ang pag-init ng power bank. 

“Suddenly, something on my leg felt really hot. I saw the smoke and quickly got it off me,” saad nito. 

Binanggit din niya na isa pang pasahero ang tumulong upang maihagis ito sa labas ng bus. 

Internasyonal

DMW, nagpaalala sa OFWs ng Israel na sundin abiso ng embahada

Bukod sa bahagyang pagkasunog ng bahagi ng kaniyang buhok at mukha, nagtamo rin ng pinsala ang kanilang pasaporte na nasa loob din ng bag. 

Batay pa sa pahayag ng asawa ng turista, malakas kumalat ang makapal na usok ng power bank sa loob ng bus na sinakyan nila, na nagdulot ng injuries sa ilong nito nang magtungo siya sa isang doktor, dahil matagal nanatili ang amoy ng sunog na lithium-battery sa kanilang ilong. 

Ipinaliwanag ng isang chemistry teacher sa naging ulat na overcharging o short-circuit na dulot ng isang mechanical damage mula sa pagkabagsak o pagpatong ng susi rito ang mga posibleng dahilan ng pagsabog ng power bank. 

Samantala, dahil sa mga sugat na natamo ng turista mula sa insidente, nais niyang magsampa ng kaso sa brand ng kaniyang power bank. 

Gayunpaman, nananatiling nasa mga tindahan pa ang brand na ito at hindi pa nagbibigay ng pahayag sa international media. 

Sean Antonio/BALITA