February 28, 2026

Home BALITA Internasyonal

PBBM pinag-utos sa DFA at DMW na alamin kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iran, Middle East

PBBM pinag-utos sa DFA at DMW na alamin kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iran, Middle East
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB), via MB

Gumawa na ng paunang hakbang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga Pilipinong naapektuhan ng sigalot sa Iran matapos ang pag-atake ng Israel sa kapitolyo nito.

Sa latest X post ni Marcos Jr. nitong Sabado, Pebrero 28, sinabi niyang natanggap na niya ang ulat kaugnay sa nasabing pag-atake at nangangalap na sila ng mga impormasyon.

Aniya, “In the meantime, the safety of Filipino citizens in Iran and in the Middle East is paramount.”

“I have instructed the DFA and the DMW to take measures to determine their whereabouts in affected areas and to take immediate measures to ensure their safety,” dugtong pa ng Pangulo.

Internasyonal

DMW, nagpaalala sa OFWs ng Israel na sundin abiso ng embahada

Matatandaang inanunsiyo na ni US President Donald Trump sa pamamagitan ng isang video statement ang hudyat sa pagsisimula ng kanilang major combat operation kontra Iran.