February 28, 2026

Home BALITA Probinsya

Jeepney driver na nag-aabang ng pasahero, sinaksak ng traffic enforcer!

Jeepney driver na nag-aabang ng pasahero, sinaksak ng traffic enforcer!

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang traffic enforcer matapos umano nitong saksakin ang isang jeepney driver sa Barangay San Miguel sa Pangasinan.

Ayon sa mga ulat, nag-aabang ng pasahero ang 52-anyos na driver nang maganap ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang may nauna nang alitan ang driver at ang 56-anyos na traffic enforcer kaugnay ng pagpapatupad ng mga batas trapiko. Gayunman, off-duty umano ang enforcer nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng hamunan ng suntukan ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa pananaksak. 

Probinsya

Riding in tandem na nambuhos ng asido sa motorista, tukoy na ng pulisya!

Nagtamo ng sugat ang driver at agad itong isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

“Patuloy po nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng POSO, at saka sa mga kamag-anak at barangay officials sa San Miguel upang tulungan kaming matunton itong suspek na ito o kaya ay ating mapasuko,” ayon kay Police Lieutenant Julfre Ayson, investigation officer ng Calasiao Police Station.

Samantala, iginiit ng pamunuan ng Calasiao Public Order and Safety Office (POSO) na hindi nila kukunsintihin ang ginawang pananaksak ng kanilang tauhan.

“Hindi po ito-tolerate iyong ganyang gawain. Mas maganda magpakita na siya para malinawan, makausap kung anuman ang plano niya. Humarap sa pamilya ng nasaksak ni’a,” pahayag ni Joel Cabucol, hepe ng POSO.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang inihahanda ang posibleng kasong frustrated murder laban sa suspek.