March 01, 2026

Home SHOWBIZ

Jane De Leon, rumesbak sa nagsabing wala siyang ambag sa GL community

Jane De Leon, rumesbak sa nagsabing wala siyang ambag sa GL community
Photo Courtesy: Jane De Leon (FB), Pexels

Hindi pinalampas ni Kapamilya actress Jane De Leon ang netizen na kumuwestiyon sa kontribusyon niya sa girl love (GL) community.

Sa isang X post kasi kamakailan, ibinahagi ni Jane ang umano’y pakikipaglaban nila sa mga nagdaang taon para mabigyan ng espasyo ang GL projects sa entertainment industry ng Pilipinas.

Ngunit isang netizen ang nagsabing wala umano siyang ambag sa GL community. 

“Ate, wala kang ambag sa GL community,” tahasang sabi ng netizen. “Sana alam mo yan. Anong nagawa mo for this community? Mang queer-bait?”

“Magpanggap na sumusuporta sa community while openly promoting brands like Mang Inasal na openly homophobic? Very artista ka dyan ha. Walang WE dahil hindi ka kasali,” dugtong pa nito.

Tsika at Intriga

Anak ni Odette Khan, umapela ng tulong para sa ina; aktres, na-confine at bedridden sa ospital

Sagot naman ni Jane, “Kasama ba kita sa bahay to know everything? There were multiple GL offers after the series. Hindi lang ako ang involved sa decisions.”

Ayon sa aktres, ang mga proyekto umanong gaya nito ay nangangailangan ng parehong pagsang-ayon mula sa mga artistang sangkot sa proyekto, at may mga pagkakataon umano na ang isang panig ay tumatanggi dahil sa mga personal nitong rason.

Matatandaang isa si Jane sa mga hinihiritang gumawa ng GL movie kasama si Janella Salvador. 

Nagsimula ito nang pag-usapan noong 2022 ang mga nakakakilig na eksena nilang dalawa sa “Darna.” In fact, inabangan pa nga ng mga tagasubaybay ang posibleng kissing scene ng dalawa sa nasabing TV series.

MAKI-BALITA: ‘Tukaan’ nina Jane at Janella, usap-usapan; sigaw ng fans, ‘GL series na ‘yan!’