Namataan ng ilang motorista ang isang grupo ng mga menor de edad na nagkumpol at nagsusuntukan sa ibabaw ng pumapasadang jeep noong gabi ng Biyernes, Pebrero 27.
Makikita sa video ng netizen na si Quil Caling na walang kamalay-malay ang driver ng nasabing jeep na may nag-aaway nang kabataan sa kaniyang sasakyan habang umaandar ito, habang may ilan pang pilit humahabol rito upang makaakyat rin.
Maririnig sa nasabing video na ipinagbigay-alam lamang ni Caling ang nagaganap na bakbakan sa driver kaya nakahinto ito upang makababa ang mga menor de edad.
Nang magsitalunan pababa ang mga ito, mapapansin na binato at sinuntok rin ng ilan sa grupo ang isa pang motoristang sumubok silang sitahin.
Ang video ay nag-viral at kasalukuyan nang pumalo sa 10 milyong views at 14 libong shares sa social media.
Sean Antonio/BALITA