Nagbigay ng paalala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Overseas Filipino Worker sa Israel na sundin ang mga abiso ng embahada ng Pilipinas sa naturang bansa.
Ito ay sa gitna ng umiigting na sigalot sa Middle East matapos ang pag-atake ng Israel at ng US sa kapitolyo ng Iran.
“Mahigpit na pinaaalalahanan ng [DMW] ang lahat ng mga Pilipinong Manggagawa sa Israel na sundin ang mga abiso ng Philippine Embassy sa Israel kaugnay ng kasalukuyang security situation sa naturang bansa at sa rehiyon,” saad ng DMW sa kanilang latest Facebook post nitong Sabado, Pebrero 21.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng ahensya ang kalagayan sa Israel sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) Israel kasama ang embahada.
Bukod dito, patuloy din umano ang pagbibigay nila ng paalala para sa kaligtasan ng mga Pilipino roon.
Hinikayat nila na regular na subaybayan ang mga balita at opisyal na abisyo mula sa IDF Home Front Command para sa anomang pagbabago sa safety guidelines. Gayundin ang pagtukoy sa pinakamalapit na shelter sa kani-kanilang lugar.
Matatandaang nauna nang inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DMW at Department of Foreign Affairs (DFA) para alamin ang kinaroroonan ng mga Pilipino sa Iran at iba pang bahagi ng Middle East.
Maki-Balita: PBBM pinag-utos sa DFA at DMW na alamin kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iran, Middle East