May pinaparinggan ang Optimum Star at aktres na si Claudine Barretto tungkol sa isang tila dating karelasyon niya na gusto raw siyang bumalik.
Sey at buwelta ni Claudine tungkol sa umano’y ex na di pinangalanan sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Pebrero 27, 2026, sinaktan daw siya nito noon at gusto ngayong bumalik siya sa kanilang relasyon.
Ani Claudine, wala raw siyang binabalikan sa kaniyang mga naging karelasyon.
“You broke me & now u want me back? Wala akong binabalikan!” mababasa sa post ng aktres.
Screenshot mula sa FB post ni Claudine.
Matapos nito, nagawa namang linawin ni Claudine sa kaniyang mga Palanggas at Claudinians na hindi ang kaniyang dating asawa na aktor na si Raymart Santiago at hindi rin ang ex niyang aktor din na si Mark Anthony Fernandez ang pinaparinggan niya.
“Si RS po ba yannn? Hayyy,” tanong ng isang fan.
“No not My husband dear,” tugon ng aktres.
“Not Mark Anthony Fernandez he is a wonderful human being,” komento rin ni Claudine sa kaniyang sariling post.
Dahil dito, hindi tuloy napigilan ng netizens ng kanilang reaksyon at hunta sa indibidwal na tinutukoy ng aktres.
Narito ang ilang samu’t saring komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Claudine:
“Relax lang idol Claudine Barretto kaya walang tumatagal satin eh”
“Yan ang gusto ko ky ate clau, walang binabalikan! Hindi martir!”
“Whoever that person who tries to ruin your peaceful living, mama. I will make that person regret what he/she did to your family. Hinding-hindi nila magugustuhan ang gagawin namin. They’ve reach the line so far — better hide, doggies.”
“Basta ako idol clau si rico yan lang The Best for u nubg buhay pa sya”
“Bet ko talaga si Claudine nag reply talaga sya sa comsec na di si Mark or si Raymart”
“Keep it private nalang”
“Parang sa movie nila ito ni rico yan? Dahil mahal na mahal kita ? Diko sure HAHAHAH familiar kasi yung line and parang napanood ko lang to lately HHAHAHAH. Kasi nanonood ako mga movie ng RYCB nakaraang buwan.”
“Pahingi po ng clue para mahulaan ko.”
Mc Vincent Mirabuna/Balita