March 01, 2026

Home BALITA National

911 hotline, nakakatanggap ng higit 300 VAWC-related cases kada buwan!

911 hotline, nakakatanggap ng higit 300 VAWC-related cases kada buwan!
Photo courtesy: DILG Philippines (FB), Freepik

Nakapagtala ng 300 hanggang 500 Violence Against Women and their Children (VAWC)-related calls kada buwan ang Unified 911 hotline, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa pahayag ng ahensya noong Biyernes, Pebrero 28, umabot sa higit 5,000 ang natanggap nilang VAWC-related calls sa buong taon lamang ng 2025. 

Kaya sa paglunsad ng Unified 911 hotline noong Setyembre 2025, binanggit ng DILG na mas napagtuonan na nila ng pansin ang VAWC-related calls na kanilang natatanggap at nabigyan ng agarang aksyon. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Help is on the way:’ Unified 911 hotline, ikakasa na sa Setyembre 11

“Observing the calls, especially dito sa VAWC-related, ngayon, talagang mas dumami ang tumatawag sa VAWC-related cases, so mas namo-monitor at mas naaaksyonan natin ngayon dahil dito sa bagong unified [hotline] natin,” saad ni Emergency 911 National Office executive director Francis Fajardo. 

National

Pasabog ni Mon Tulfo sa isang 'drama:' 'Sinuntok ni Remulla si Fernando sa mukha. Bagsak!'

Aniya pa, mula sa efficiency rate na 40% ng 911 bago ito ma-modernize, umakyat ang call efficiency nito sa 98% sa huling quarter ng 2025. 

Bukod pa rito, binanggit ng DILG na bawat reports ay confidential at agad naipo-proseso ng trained emergency telecommunicators. 

Ipinaliwanag rin nag ahensya na ang mga kasong kabilang sa non-physical abuse o ang mga kinakailangan ng interbensyon sa community-level ay agad iniaakyat sa Barangay VAW Desk para sa dokumentasyon at karampatang aksyon.

Isa namang feedback mechanism ang tiyak na matatanggap ng caller upang makatanggap ito ng update sa report nito. 

“Under the Unified 911 system, trained emergency telecommunicators immediately assess the nature and urgency of each VAWC-related call. Cases involving non-physical abuse or those requiring community-level mediation are promptly referred to the Barangay VAW Desk for documentation, intervention, and appropriate action. A feedback mechanism is in place to ensure callers receive updates and that concerned offices act on the reports,” paliwanag ng ahensya.

Habang ang mga insidente na may kaugnay na pang-aabusong pisikal o malapit na panganib ay inaakyat na sa Philippine National Police (PNP) para sa agarang interbensyon. 

Dito ay magpapadala na ng mga PNP personnel upang matiyak ang kaligtasan ng biktima at makapagpataw na ng karampatang legal na aksyon. 

“Incidents involving physical abuse or imminent danger are escalated without delay to the Philippine National Police for immediate intervention. Police officers are dispatched to secure the victim’s safety and initiate legal action against the respondent, whether a spouse, live-in partner, or other offender,” saad ng DILG. 

Sa kasalukuyan, 40,886 na barangay sa buong bansa ang nakapagpatayo ng Barangay Violence Against Women and Anti-Sexual Harassment Desks, kung saan, ang mga narito ay trained desk officers, na handang magserbisyo para sa mga biktima at survivor ng mga pang-aabuso. 

Tiniyak pa ng DILG na ang help desks na ito ay responsable sa pagdokumento ng mga kaso, health, legal, at psychosocial referrals, at pag-isyu ng Barangay Protection Orders. 

Kaya hinikayat ng ahensya ang mga biktima ng anumang gender-based violence at sexual harassment na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang pinakamalapit na Barangat VAW o Anti-Sexual Harassment (ASH) desks, o kaya’y tumawag sa Unified 911 sa agarang tulong. 

Sean Antonio/BALITA