February 27, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro kung sakaling bumisita si Kaufman sa ‘Pinas: 'I'll buy him balut, kwek-kwek, adidas'

Usec. Castro kung sakaling bumisita si Kaufman sa ‘Pinas: 'I'll buy him balut, kwek-kwek, adidas'
Photo courtesy: PCO, ICC

Sinagot ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang mensahe ng lead defense counsel ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman na handa raw itong pumunta sa bansa kung maiimbitahan niya ito. 

Matatandaan kasing nagbigay ng mensahe si Kaufman sa The Hague, Netherlands noong Huwebes, Pebrero 26, 2026, patungkol kay Castro na handa raw siyang pumunta sa Pilipinas upang pag-usapan ang interim release o pansamantalang paglaya ni FPRRD. 

“If she wants to invite me to Manila, I’ll be happy to come in and discuss the interim release of Mr. Duterte,” ‘ika ni Kaufman. 

Ayon naman sa isinagawang press briefing ni Castro nitong Biyernes, Pebrero 27, 2026, sinabi niyang hindi naman daw niya iniimbitahan si Kaufman ngunit malaya raw ang sinomang turista na bumisita sa bansa. 

“First of all, I’m not inviting him. If ever, everybody is welcome to see the beauty of our country. Welcome naman lahat ng tourist, lahat ng turista pati pamilya kasama ‘yan,” pagsisimula niya. 

National

Kaso ni FPRRD sa ICC, hindi nakakaapekto sa imahe ng bansa—Palasyo

Ani Castro, magiging masaya raw siyang ibili si Kaufman ng balut, bagoong, kwek-kwek, at iba pang street foods sakali mang makabisita ito sa Pilipinas. 

“And if he will be coming to the Philippines, I am more than happy to treat him. Buy him balut, bagoong, kwek-kwek, ayodi, adidas,” aniya. 

Giit naman ni Castro, hindi raw siya bukas na pag-usapan ang tungkol sa interim release ni FPRRD dahil naresolba na raw ito ng International Criminal Court (ICC) at mas mabuti raw na pag-usapan na lang nila ang iba’t ibang tourist spot sa bansa. 

“But I will not discuss about the interim release because it has already been dissolved by the ICC,” saad niya. 

“So, pag-uusapan lang namin ang ganda ng Palawan, El Nido, Manila Zoo, lahat po ‘yan,” pagtatapos pa ni Castro. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong tugon, reaksyon, o pahayag si Kaufman kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang dugong dadanak!' PBBM, 'di pabor sa EJK sa pagsugpo ng iligal na droga

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo kay VP Sara: 'Mas maganda po sana kung nanatili na lang siyang mayor'

Mc Vincent Mirabuna/Balita