Ihahataw na ng SexBomb Girls sa labas ng Maynila ang kanilang “Get Get Aw” concert sa darating Marso 2026.
Base sa Instagram post ni SexBomb leader Rochelle Pangilinan noong Huwebes, Pebrero 26, ang first stop ng kanilang regional tour ay gaganapin sa Tacloban City, sa Marso 14.
Saad pa sa post, ang tickets ay mabibili na ng kanilang fans simula sa Linggo, Marso 1.
Kaya aniya sa mga Taclobanon, “ihanda ang boots at balakang — kayo na ang susunod sa kembot!”
Matatandaang unang inanunsyo ng SexBomb ang kanilang reunion concert noong Disyembre 4 sa Araneta Coliseum, na agad nilang sinundan noong Disyembre 9 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.
Itinodo pa nila ang showdown hanggang “rAWnd 3, 4, at 5” sa MOA Arena din noong Pebrero 6, 7, at 8.
MAKI-BALITA: Rochelle Pangilinan, inspirasyon ang BINI sa reunion concert ng SexBomb
Inaasahan pang dadalhin ng SexBomb ang kanilang concert sa United Arab Emirates (UAE) sa Marso 27 at 28; at USA sa Mayo 16 at 23.
Sean Antonio/BALITA