February 27, 2026

Home SHOWBIZ

Rufa Mae, naging emosyonal sa pag-alala sa pumanaw na mister

Rufa Mae, naging emosyonal sa pag-alala sa pumanaw na mister
Photo courtesy: Karen Davila (YT)

Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa pag-alaala niya sa kaniyang pumanaw na mister na si Trevor Magallanes at ang mga plano raw nila noon sa pagpapalaki ng kanilang anak. 

Ayon sa inupload na video ng mamamahayag na si Karen Davila sa panayam niya kay Rufa sa kaniyang YouTube channel noon Huwebes, Pebrero 26, 2026, nakuwento ng aktres ang plano na raw sana noong bumalik sa kanila ng kaniyang mister mula sa Hawaii bago ito sumakabilang-buhay. 

“Gusto na niyang bumalik sa amin… para puntahan ‘yong anak ko tapos hindi na nga nakarating,” pagsisimula niya. 

Paglilinaw ni Rufa, wala raw kahit anong trahedya ang namagitan sa kanila ni Trevor bago pa man ito pumanaw. 

“‘Yon ang kuwento kaya… ‘yong sakit na namimiss namin siya. ‘Yon po ‘yong kuwento pero walang trahedyang kuwento. Masaya,” diin niya. 

Events

Unang regional concert tour ng SexBomb, ihahataw na sa Marso!

Komento naman ni Karen, “It is so hard to lose a loved one.” 

Sinang-ayunan naman ng aktres ang nasaad ng kausap at sinabi niyang mas masakit daw ang mawalan ng asawa lalo na kung bumuo raw sila ng mga plano para sa kanilang anak. 

“Yeah, lalo na kung asawa mo tapos mayroon kayong mga plano para sa anak mo. Na lahat ‘yon na plinano niya pero lahat ‘yon mangyayari nang wala siya,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Sana naman nagplano kami simula kami mula pagka-baby… nagplano kami kung paano siya palalakihin tapos biglang wala na, ako na lang.” 

Ani Rufa, wala raw siyang ibang naisip noon kundi ang maging mabait, mapagmahal, at gagabayan na lang niya ang kaniyang anak nang mag-isa. 

“Sabi ako, ‘Anong gagawin ko?’ Ang sinabi ko sa sarili ko, basta bibigyan kong time ang anak ko. I’ll be kind to her, guide her, basta love,” pagkukuwento ng aktres. 

“At the same time sabi ko, ‘Tulungan mo na lang kami. Kahit na physically wala, basta tulungan mo ako paano ko siya palalakihin.’” pagbabahagi pa niya. 

Tila naramdaman naman daw ni Rufa na tinutulungan siya ng kaniyang pumanaw na mister dahil nagiging magaan naman daw ang lahat para sa kaniya at sa anak niya. 

“So, tinutulungan niya ako. Nararamdaman ko naman. Kasi nagiging magaan naman lahat,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang Hulyo 31, 2025 nang kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Trevor mula sa naging post ni Rufa sa kaniyang social media accounts ng kanilang mga larawan kasama ang kanilang anak. 

“I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!” ani Rufa. 

KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay

KAUGNAY NA BALITA: Rufa Mae Quinto, inalala namayapang asawa sa kanilang 10th wedding anniversary

Mc Vincent Mirabuna/Balita