Sugatan ang isang rider at angkas niya matapos silang sabuyan ng asido ng riding in tandem sa Cagayan de Oro.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente habang nagmamaneho mismo ang biktima at sakay nito nang bigla silang sabayan ng mga suspek.
Umuusok pa ang jacket ng driver habang napilitan na lang magpatong ng towell ang sakay niya dahil sa sugat na kanilang natamo mula sa insidente.
Ilang residente naman ang nagtulong-tulong upang buhusan ng tubig ang mga biktima upang maibsan daw ang epekto ng nasabing kemikal nila sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ayon sa mga awtoridad, wala raw silang natanggap na ulat hinggil sa nangyari sa mga biktima at nalaman na lamang daw nila ito matapos maging usap-usapan sa social media.
Nangako rin ang Cagayan de Oro City Police nang agarang imbestigasyon upang matukoy ang salarin sa sinapit ng rider at angkas niya.