February 27, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pananakit sa kababaihan, pasado sa Afghanistan basta walang sugat at 'di nabalian ng buto

Pananakit sa kababaihan, pasado sa Afghanistan basta walang sugat at 'di nabalian ng buto
Photo courtesy: via AP News

Ikinabahala ng United Nations (UN) ang bagong batas na ikinasa ng Afghanistan hinggil sa karapatan at pagtrato sa mga kababaihan sa kanilang bansa.

Ayon sa mga ulat, isang decree ang ipinasa ng Afghanistan kung saan hindi nito parurusahan ang mga asawang lalaking mananakit ng kababaihan hangga’t hindi sila nagtatamo ng mga sugat at nababalian ng buto.

Sa ilalim din ng naturang batas, kung sakaling mapatunayang pisikal na inabuso ang isang babae, nasa 15 araw lamang daw ang itatagal ng isang lalaki sa kulungan—malayo sa tatlong buwang pagkakakulong para sa kababaihang aalis ng bahay ng walang pahintulot ng kanilang mga mister.

Batay pa sa naturang batas, maaari ding umanong kasuhan ang mga kamag-anak ng isang babaeng kukunsintihin ang pananatili sa kanila nang walang pahintulot ng mister nito.

“UN Women is profoundly concerned about the implications of the decree. Afghan women and girls have the right to live free from violence and discrimination. They are entitled to dignity, safety, freedom of movement and participation in public life,” anang UN.

Internasyonal

Pinoy cadet, nakapagtapos sa Korea Air Force Academy; nakilala bilang ‘Strongest Cadet’

Pinuna rin ng UN ang tila mas mabigat pa raw na parusa sa animal quality kumpara sa parusa sa mga mananakit sa kababaihan.

Sa inilabas pa rin kasing batas ng Afghanistan,maaaring parusahan ng limang buwang pagkakakulong ang sinumang mapatunayang gumawa ng animal cruelty, partikular na ang pagsasabong sa mga manok at ibon.

Matatandaang noong 2021 nang makabalik sa kapangyarihan sa Afghanistan ang grupong Taliban at magmula noon ay nagpasa ng mga mabibigat na batas hinggil sa kalayaan at pamumuhay ng kanilang nasasakupan.

MAKI-BALITA: Pagpapalabas ng tao, hayop sa news channels sa Afghanistan, ipinagbawal ng Taliban