February 27, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking nangmolestya noong 2020, nasilbihan lang ng warrant noong 2025 at naaresto nitong 2026

Lalaking nangmolestya noong 2020, nasilbihan lang ng warrant noong 2025 at naaresto nitong 2026

Naaresto na ng mga awtoridad ang 34 taong gulang na lalaking ilang taong nakapagtago dahil sa reklamo sa kaniyang pangmomolestya sa isang menor de edad noong 2020.

Ayon sa mga ulat, ginawa ng suspek ng pangmomolestya sa loob mismo ng bahay ng biktima. Lumalabas na tinakot ng suspek ang menor de edad upang maisagawa ang kahalayan noong Enero 2020.

Subalit, matapos ang insidente, lakas-loob umanong nagsumbong ang biktima sa kaniyang ina, dahilan upang maireklamo agad ang suspek.

Matapos ang halos limang taon, noong Disyembre 2025 lamang nailabas ang warrant of arrest laban sa suspek.

"Nang malabasan po siya ng warrant eh hindi na siya makita doon at mga operatiba natin hinanap siya buti na lamang may nag-tip na concerned citizen at doon na po siya nahuli," anang mga awtoridad.

Metro

‘Speech workshops,’ ilulunsad ng UP sa darating na Hunyo

Nitong Pebrero 2026 tuluyang naaresto ang suspek na nahaharap sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kasalukuyan ng nakadetine ang suspek sa custodial facility ng La Loma Police Station.