February 27, 2026

Home BALITA National

Kaso ni FPRRD sa ICC, hindi nakakaapekto sa imahe ng bansa—Palasyo

Kaso ni FPRRD sa ICC, hindi nakakaapekto sa imahe ng bansa—Palasyo
Photo courtesy: RTVM/YT, MB


Nanindigan ang Malacañang na hindi magiging isyu sa imahe ng Pilipinas ang confirmation of charges na isinasagawa ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa tila posibleng legal o diplomatic implications ng naturang pagdinig para sa Pilipinas—at ang posibleng epekto nito sa foreign relations ng bansa.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Pebrero 27, sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ito raw ay isang tanda na hindi kinukunsinti ng administrasyon ang anumang kriminalidad o pang-aabuso.

“Sa ngayon ay hindi naman po nagiging isyu ito dahil malamang ang makikita lang ng ibang bansa sa bansang Pilipinas ay hindi po nagto-tolerate ng anumang kriminalidad, hindi po nagto-tolerate ng anumang pang-aabuso,” saad ni Usec. Castro.

Giit pa niya, “Kung ang isang tao ay mag-iisip, kung ano ba ang ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon na ito, mas gugustuhin po nila ang nangyayari ngayon, dahil ang Pangulo umaayaw sa abuso, umaayaw sa mga feeling above the law.  So, doon lamang po, siguro hindi po magkakaroon ng anumang isyu ito sa ating administrasyon dahil tumutupad lamang po ang Pangulo sa batas.”

Kaugnay sa kaso ni FPRRD, ngayong Biyernes, Pebrero 27, ibabahagi na ng prosecution ang kanilang closing statements, ilalahad ng Common Legal Representatives of Victims (CLRV) at defense ang kanilang closing remarks, at isasagawa na rin ang pagrerebyu ng detensyon ng dating Pangulo.

National

Atty. Kaufman, dumepensa sa inilatag na Bulacan Big Time operation ng ICC Prosecution



Vincent Gutierrez/BALITA