February 27, 2026

Home BALITA Probinsya

Gurong nanghahalay ng estudyante kapalit ng ₱100, timbog sa Cavite!

<b>Gurong nanghahalay ng estudyante kapalit ng ₱100, timbog sa Cavite!</b>

Arestado ang isang guro sa Cavite bunsod umano ng kaniyang panghahalay sa ilan niyang estudyante.

Ayon sa mga ulat, ikinasa ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police ang operasyon matapos kumalat online ang malalaswang video ng guro kasama ang ilang junior high school students.

Matapos masilbi ang kaukulang mga dokumento laban sa suspek, naaresto siya at nakumpiska rin ng mga awtoridad ang computer ng guro.

Nadiskubre sa kaniyang computer ang tinatayang 32 malalaswang video kabilang ang ilan niyang mga estudyante.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyayari ang pang-aabuso at panghahalay ng guro sa loob mismo ng kaniyang bahay. Nasa ₱100 hanggang ₱300 ang ibinibigay ng suspek sa bawat estudyante ang ginagawan niya ng panghahalay.

Probinsya

Mga kawatang nanloob sa convenience store, nahulog sa drainage canal!

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na haharap sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti- Child Sexual Abuse of Exploitation Materials Act, in relation to the Cybercrime Prevention Act.