Naghayag ng suporta ang Kapamilya actress na si Angel Aquino para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, hinikayat niya ang publiko na magkaroon ng bukas na isip at puso.
“Para sa akin lang, let’s all have open minds and open hearts. Love is love, and in the end, it’s all that matters, di ba? There’s really no gender when it comes to love. It’s really just two people, two spirits, two souls who have that reverence for each other,” saad ni Angel.
Dagdag pa niya, “Bakit hindi natin pagbigyan ‘yon? Bakit kailangan natin silang pigilan kung ‘yon ‘yong nararamdaman nila? Basta, they don’t cause each other pain.”
Ayon sa aktres, mas magiging malaya umano ang mga LGBTQIA+ kung palalayain din sila ng mga tao sa pamamagitan ng pag-unawa.
Matatandaang noong Oktubre 2025 ay inamin ni Angel sa isang panayam na nahuhulog umano ang loob niya sa mga kapuwa niya babae.
Aniya, "My life is an open book. I like girls."
Bago pa man ito, buo na ang suporta ni Angel sa same-sex relationship noong 2017.
Sa isang pocket presscon ng “Ang Huling Cha-Cha ni Anita,” sinabi niyang wala umanong problema sa kaniya ang hinggil sa bagay na ito.