Agad na pinalabas ang mga personnel ng QC Hall of Justice matapos makatanggap ng bomb threat ang mga awtoridad dito nitong umaga ng Biyernes, Pebrero 27.
Ayon kay Department of Public Order and Safety (DPOS) head, Retired General Elmo San Diego, ang nasabing bomb threat ay natanggap ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 227 sa isang text message.
Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, agad na inikot ng Quezon City Police District (QCPD) Explosive Ordnance Disposal (EOD) at K9 Unit ang city hall upang mag-inspeksyon.
Ang insidente ng bomb threat ay nagdulot din ng traffic dahil sa pansamantalang pagpapapasok sa mga sasakyan habang isinasagawa ang inspeksyon.
Ayon sa ilang ulat sa media, as of 11:10 AM, ang mga personnel ay pinahintulutan nang pumasok sa city hall matapos makumpirma ng QCPD-EOD na walang explosive device sa loob ng gusali.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan ng bomb threat.
Sean Antonio/BALITA