Ibinahagi ni Kapamilya actress Bela Padilla ang sitwasyon ng ugnayan nila ng dating Swiss boyfriend niyang si Norman Bay matapos nilang maghiwalay.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, nahagip sa panayam ang tungkol sa breakup nila ni Norman.
“What happened to you and Norman?” tanong ni Boy.
Sagot ni Bela, “We reached the end of our chapter. We did.”
“But amicably,” singit ni Boy, “nagkikita pa rin kayo, ‘di ba?”
“Yes, he visited me pa after we broke up. He came to the Philippines for a few weeks for a holiday and we spoke naman,” anang aktres.
Sa ngayon, nasa yugto umano silang hinahayaan nilang lumago ang isa’t isa.
Dagdag pa ni Bela, “I feel like somewhere down the line we’ll become friends again. Gano’n naman ako, e.”
Matatandaang apat na taong nagsama sina Bela at Norman bago nila napagpasyahang tuldukan ang kanilang relasyon.
Sa isang panayam noong Setyembre 2025, sinabi ni Bela na ang rason umano ng kanilang hiwalayan ay ang pagbalik niya sa Pilipinas.