Isinugod sa ospital ang isang walong gulang na sanggol matapos siyang magkumbulsyon bunsod umano ng palo ng kaniyang lola sa Camarines Sur.
Ayon sa mga ulat, naospital ang bata dahil sa mga palo na kaniyang tinamo sa mula sa lola niya dahil umano sa walang tigil niyang pag-iyak.
Nagtamo ng siya ng mga pasa sa katawan at saka kinumbulsyon.
Samantala, kasalukuyan nang naka-confine ang biktima at nalapatan na rin ng paunang lunas.
Lumalabas sa imbestigasyon na wala ang magulang ng bata ng mangyari ang insidente.
Bagama't kapos daw sa pera, isininugod ng ina ng biktima ang sanggol na ginagamot na sa Trauma Section ng ospital
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Habang isinusulat ang artikulong ito ay walang impormasyon kung mananagot sa batas ang lola ng biktima.