Tila naalarma at kinondena ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang umano’y naging akusasyon sa kanila ng embahada ng China sa Pilipinas na pinopondohan daw sila ng United States (US) National Endowment for Democracy (NED).
Kaugnay ito ng nauna nang naging pahayag ng Chinese Embassy kanilang social media accounts noong Miyerkules, Pebrero 25, 2026, kung saan sinabi nitong pinopondohan umano ng US NED ang PCIJ at matagal na raw nanghihimasok ang NED sa maraming “internal affairs” ng iba’t ibang mga bansa sa pagsusulong ng demokrasya.
“It is worth noting that his source-the Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ)-is funded by the US National Endowment for Democracy(NED). Widely seen as a "white glove" of the US government, the NED has long been involved in interfering in other countries' internal affairs, stoking division and confrontation, and influencing public opinion under the banner of promoting democracy,” anang Chinese Embassy sa kanilang Facebook post.
Ayon naman sa naging sagot ng PCIJ sa kanilang ring Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 26, 2026, nagawa nilang kondenahin ang nauna nang akusasyon ng Chinese Embassy sa kanila at kontribyutor nilang si Regine Cabato na ginagamit daw sila ng propaganda ng US.
“We regret the Chinese Embassy has resorted to accusing PCIJ and PCIJ contributor Regine Cabato of being tools of U.S. propaganda after we released a video explainer on pro-China disinformation,” pagsisimula nila.
Photo courtesy: PCIJ (FB)
Anila, pinopondohan daw sila ng iba’t ibang mga “source” kasama na ang mga organisasyon sa United Nations (UN).
“The PCIJ receives funding from multiple sources, including from UN organizations,” paglilinaw nila.
Diin nila, matagal na raw nilang pinoprotektahan ang kanilang kalayaan mula pa sa pagkakatatag ng PCIJ noong 1989 at hindi raw sila kasangkapan ng sinoman.
“We have zealously guarded our independence since our founding in 1989. We are nobody's tool. And yet, we have watched as pro-Duterte partisans amplified the Chinese Embassy's allegations, posted at 11:34 PM Manila time on Facebook and X,” saad nila.
Pagpapatuloy pa ng PCIJ, naalarma raw sila dahil sa pag-atake umano ng Chinese Embassy sa kanilang malayang paghahayag sa mga Pilipino.
“The virality of the Embassy's message within a few hours attest to the coordinated nature of this online attack. We are alarmed that the Chinese Embassy is attacking independent reporting by Filipinos. Their actions only lend credence to our story,” pagtatapos pa nila.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag ang Chinese Embassy kaugnay rito.
Mc Vincent Mirabuna/Balita