Hindi napigilang biglang maging emosyunal ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng kaniyang talumpati sa publiko tungkol sa naisip niyang posibilidad kung tumakbo na lang daw sana siyang alkalde sa halip na Vice President noon.
Ayon sa naging pahayag ni VP Sara sa isang conference na ginanap sa Davao City noong Miyerkules, Pebrero 25, 2026, biglang tumulo kaniyang luha sa gitna ng kaniyang pagsasalita sa unahan dahil daw naisip niya ang mga posibleng mangyari kung nag-alkade na lamang siya sa nilabanang nakaraang eleksyon.
“Naisip ko kanina kung ano kaya ang mangyayari kung tumakbo na lang akong mayor at hindi ko na tinuloy ang pagtakbo ko bilang vice president,” aniya.
Tila hindi naman nasiyahan ang publiko sa naturan ng Vice President at makikinig ang mariing pagtanggi nito sa kaniyang nasaad.
“No! No!” anila.
Samantala, nilinaw naman ni VP Sara na bilang bise presidente noon at hindi ang nakatakdang pagtakbo niya nilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2028.
“Vice President ngani,” paglilinaw niya.
Matatandaang pormal na inanunsyo ni VP Sara ang opisyal niyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa paparating na Halalan 2028 sa isinagawa niyang press briefing sa Mandaluyong City noong Pebrero 18, 2026.
Aniya, ilalaan daw niya ang kaniyang buhay, lakas, at “future” o hinaharap para magserbisyo sa bansa sa halip na lumuhod at humingi ng kapatawaran dahil sa pagtulong umano niya noon na mahalal sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Samantala, hindi naman na tumanggap pa ng mga katanungan si VP Sara mula sa mga media noon sa nasabing press briefing.
MAKI-BALITA: 'Sobrang bugbog na sila!' Giit ni Sen. Imee, presidential bid ni VP Sara, para sa mga DDS?
MAKI-BALITA: VP Sara, 'di na umaasa makabalik si FPRRD sa bansa? By Balita Online February 25, 2026 In BALITA National
Mc Vincent Mirabuna/Balita