February 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Regine Velasquez, nag-sorry sa 'worried fans' dahil sa 'anxiety' niya

Regine Velasquez, nag-sorry sa 'worried fans' dahil sa 'anxiety' niya
Photo courtesy: Regine Velasquez-Alcasid/FB


Nanghingi si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ng paumanhin sa kaniyang mga tagasuporta matapos ang tila pag-aalala ng mga ito dahil sa ibinahagi niyang update hinggil sa kaniyang kondisyon.

Matatandaang ibinahagi ni Regine sa kaniyang X post kamakailan na siya ay ninerbiyos at naging “anxious” matapos ang isang performance kasama ang American singer-songwriter na si Josh Groban.

Aniya, pati ang performances niya sa TV program na ASAP ay tila isa na ring “struggle” para sa kaniya.

“It was wonderful and an honor to sing with Josh Groban last night…but I was so nervous. I was so anxious the whole day I forgot to eat. Lately every single performance for me is such a struggle even doing ASAP. And it used to excite me a source of joy but now it give me so much anxiety. I still LOVE singing I do but performing on stage………maybe it’s part of getting old I don’t know. But it’s kinda of heartbreaking,” saad ni Regine.

Sa hiwalay namang X post na ibinahagi ni Regine nitong Huwebes, Pebrero 26, tiniyak niya sa kaniyang fans na siya ay nasa maayos nang kalagayan.

“Hello everyone I know that a lot of you have been worrying about me lately sorry about that but I’m ok. I’m just navigating the challenges and changes in my life as I get older,” aniya.

“Ganon talaga yun iba na but it’s still me just a different version of me God bless…by the way thank you for all the love I’m feeling it,” dagdag pa niya.

Biro pa ng Asia’s Songbird, “Salamat sa paflowers sana next time cash na lang.”

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon at komento mula sa netizens ang nasabing post ni Regine.

“Wala ka nang dapat patunayan. Boses nga ni anne tanggap namin, yung iyo pa ba na alam namin kung gaano kagaling kahit anong version pa yan”

“You are and will always be ‘The Regine Velasquez’”

“Mhie, pinagod mo kami sa pa-essay writing contest mo ah haha! Mahal ka namin. Kahit bumulong ka lang sa stage. May manonood sa yo.”

“Mahal ka namin Ate kahit anong version pa yan”

Tsika at Intriga

Michelle Dee, naghain ng supplemental affidavit sa reklamong cyber libel kay Xian Gaza

“We love you, Ate Reg! You’ll always have us no matter what.”

“I love you so much ate”

“We love you Ate! Andito lang kami lagi sa tabi mo”

Vincent Gutierrez/BALITA