February 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Michelle Dee, naghain ng supplemental affidavit sa reklamong cyber libel kay Xian Gaza

Michelle Dee, naghain ng supplemental affidavit sa reklamong cyber libel kay Xian Gaza
Photo courtesy: Michelle Dee, Xian Gaza (FB)

Nagsumite ng supplemental affidavit ang kampo ni Kapuso beauty queen-actress Michelle Dee, hinggil sa kasong cyber libel na inihain niya laban sa social media personality na si Xian Gaza matapos aniya siyang gawan ng mga malisyosong intriga na ipinost sa social media.

Sa ulat ng media sa legal counsel ni Dee na si Atty. Ayon kay Maggie Garduque, naberipika na raw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang social media account ni Gaza kaya handa na itong isampa bilang kaso sa Office of the City Prosecutor.

Paliwanag ng abogado, ang nabanggit na supplemental affidavit ay tungkol sa panibagong post ng social media personality sa kaniyang kliyente noong Pebrero 16, na inilarawan nila bilang "defamatory and malicious."

Kahit nasa ibang bansa si Gaza, sinabi ng abogado na maaari pa ring ipagulong ang kaso. Maaari daw magpadala ng counter-affidavit ang social media personality sa pamamagitan ng Philippine Embassy.

Nagbigay-paalala rin ang legal counsel na kung maaari, pag-isipan munang mabuti ang mga ipo-post sa social media bago gawin.

Tsika at Intriga

Boy Abunda kay Alvin Aragon: 'He crossed a line!'

Noong Pebrero 16, personal na nagsadya si Dee kasama ang legal counsel para pormal na maghain ng reklamo sa NBI.

"The point here is hindi dapat i-normalize ang pagsasalita nang gano'n towards sa mga babae, I think we should respect women's rights and privacy," pahayag ni Michelle.

Maaaring nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Michelle laban kay Xian dahil sa mga pinakawalang blind items at posts ng social media influencer laban kay Michelle, nang pumutok ang isyu tungkol sa driver ni Rhian Ramos, sa bintang na pagkuha sa isang angpao na may lamang sensitibong larawan.

Ito umano ang naging dahilan kung bakit inireklamo ng driver sina Michelle, dating among si Rhian Ramos, at maging ang beauty queen na si Samantha Panlilio, ng kasong torture at serious illegal detention.

Kaugnay na Balita: Sinampolan! Michelle Dee, inireklamo si Xian Gaza ng cyber libel sa NBI

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Gaza tungkol dito.