February 26, 2026

Home BALITA National

ICC investigators, 'di kailangang suhulan para gawin trabaho nila!—Trillanes

ICC investigators, 'di kailangang suhulan para gawin trabaho nila!—Trillanes
Photo courtesy: ANC (YT), File Photo

Idiniin ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hindi raw kailangang suhulan ng International Criminal Court (ICC) investigators para gawin ng mga ito ang trabaho nila. 

Kaugnay ito ng kamakailang naging pagsisiwalat sa publiko ng tumayong abogado ng 18 na dating miyembro umano ng Philippine Marines na si Atty. Levi Baligod sa isinagawa nilang press conference nitong Martes, Pebrero 24, 2026, na tumanggap umano si Trillanes ng nasabing halaga mula sa dating mambabatas.

KAUGNAY NA BALITA: Antonio Trillanes, tumanggap ng ₱112M kay Zaldy Co para sa ICC investigators!—Atty. Levi Baligod

Ayon sa naging panayam sa Headstart ng ABS-CBN News Channel kay Trillanes nitong Huwebes, Pebrero 26, 2026, nilinaw niyang imposible at malabo raw ang naturang akusasyon laban sa kaniya ng 18 ex-marines at hindi raw ito makatuwiran. 

“In both cases, sinasabi nila, [$2 million] daw ang binigay sa akin para pansuhol sa ICC. Na-imagine ba nila, papaano ilalabas ng ano ‘yon, ng ICC investigators for the people traveling. Saan nila ilalagay, sa maleta?” pagsisimula niya. 

National

PSA documents, puwede nang i-request sa isang e-wallet platform!

Dagdag niya, “Ngayon, kung para ‘yan sa operations dito, why would they have to convert it into dollars kung dito gagastusin. It doesn’t make sense.” 

Pagpapatuloy pa ni Trillanes, malinaw naman daw na alam ng publiko ang nangyari noon at mga pawang totoong ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapakitang video ng ICC prosecution sa pagdinig nila sa The Hague, Netherlands. 

“Tapos nakita no’ng mga kababayan natin ‘yong presentation no’ng prosecution sa ICC. kailangan mo pa bang suhulan?” aniya. 

Paliwanag niya, “We saw ang heard what happened noong mga panahon na ‘yon. Kaya ‘yong mga pini-present nila na video sa The Hague ngayon, ginawa ni Duterte ‘yan.” 

Pagdidiin niya, hindi raw kailangang suhulan o bigyan ng pera ang mga ICC investigators para gawin ng mga ito ang kanilang trabaho. 

“So, hindi mo kailangang suhulan itong mga ito para gawin nila ‘yong trabaho nila,” pagtatapos pa ni Trillanes. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang kampo ng 18 ex-marines kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, tinangging tumanggap ng $2M kay Zaldy Co para sa ICC investigators; nag-amba ng cyber libel case!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, nagulat daw sa pinugang $2M pondo para sa ICC investigators!

Mc Vincent Mirabuna/Balita