February 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angel Locsin, rumesbak sa 'nepo baby' brand kay Joaquin Arce dahil sa PBB

Angel Locsin, rumesbak sa 'nepo baby' brand kay Joaquin Arce dahil sa PBB
Photo courtesy: via Angel Locsin (IG)/Screenshot from PBB via Kapamilya Online Live

Ginalaw na ang baso ng tinaguriang "real-life Darna" at versatile actress na si Angel Locsin matapos pumalag sa mga akusasyong "nepo baby" ang stepson na si Joaquin Arce, anak ng kaniyang mister na si Neil Arce.

Isa kasi si Joaquin sa teen celebrity housemates na nakapasok sa Ultimate 8 ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0."

May mga nag-aakusa kay Joaquin na "nagagamit" daw ang apelyido ni Angel at ama niyang si Neil sa PBB journey niya, lalo na sa pagsuporta sa kaniya sa votation.

Isa rin iyan sa mga natanong kay Joaquin nang humarap siya sa "Ultimate Tapatan" ng housemates sa ex-housemates jury.

Sagot ni Joaquin, "Well, sinabi ko sa pamilya before coming here not to spend, and I believe that whatever I get, I should deserve. Everything I want to achieve in this industry as an actor, because it's my dream to be an actor, gusto ko na deserve ko siya."

Tsika at Intriga

Boy Abunda kay Alvin Aragon: 'He crossed a line!'

Dagdag pa niya, "Kasi lagi akong tinatanong 'Do you want to work with your stepmom? Do you want to work with Tita Angel in the future?' Lagi kong sinasabi na I think it's a prize to work with her. I think I have to deserve it. I think I have to be a good enough actor to be able to act with her. And with that being said, I think if I were to win and if I were to want to deserve a spot here, I think I have to deserve it, dapat 'yong taumbayan ang pipili sa akin," aniya.

Bagay na sinegundahan naman ni Angel, na matagal na nag-hiatus sa showbiz at social media, sa pamamagitan ng kaniyang post sa X.

"Bihira lang akong mag social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito. Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad nya para ma-brand sya as nepo baby? Para namang hindi ako nag dyip o bus papuntang tapings ko dati. Kalevel ko pala si Discaya? Lol. Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw," aniya.

Katwiran pa ni Angel, mas pinili raw ni Joaquin na mag-audition sa PBB kaysa humingi ng proyekto sa kaniya.

"Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey nya, baka dagdagan ko ma-asar ko lang yung ibang makagawa ng issue. My son could have asked me for a project, but ang hiniling nya is mag audition sa PBB."

Banat pa ni Angel, "Wag bitter. Nakakapanget yan."

Photo courtesy: Screenshot from Angel Locsin/X

Agad namang nag-trending sa X si Angel dahil sa kaniyang naging buwelta.

Photo courtesy: Screenshot from X

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"lol google mo what's nepo means. kaloka ka."

"Kaya nasasabi ng ibang tao na NEPO BABY si joaquin ay dahil din sainyo mismo, nung first nomination yes its okay to support him, to spend him pero yung gagamitan niyo ng connections sa showbiz dahil lang sa gusto niyong isave siya e don humuhugot ang mga tao at don dumami ang hte."

"Never ako bumoto this season ng PBB. Di rin ako masyadong updated pero parang gusto ko maglapag kay Joaquin. Kasi bakit parang kasalanan ng bata na famous ang parents nya?"

"Ngeeee. Affected naman masyado-parang di naman kayo nasanay sa galawan sa socmed. Ang nepo baby doesnt only mean na anak ka ng mga congtractor or magnanakaw na politicians."

"Nepo baby padin siya. Associated na siya as your step son kasi asawa mo na tatay niya. Artista ka. BIG NAME pa. Your asawa ay maraming connection sa showbiz and so do you. Mabait na bata si Joaquin so wag kana pumatol dahil sayo mababash pa lalo yung anak mo. So yeah..."

"Grabe, ang tapang talaga ni Angel Locsin pagdating sa pamilya niya. Hindi talaga siya nagbabago simula pa noon, palaban sa tama. Pero aminin natin, totoo naman yung sinabi niya about Joaquin. Imbes na humingi ng shortcut, dumaan sa tamang proseso at nag-audition sa PBB. Deserve ba talaga siyang i-brand na nepo baby kung pinaghihirapan naman niya ang bawat boto? Anong say niyo?"

"Darna, magalit ka please. Hahahaha. Gusto namin yan. Gastosan natin si Joaquin para ung bashers naman ang magbayolet sa inis kapag nag big Winner si Joaquin."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Angel hinggil sa mga kuda at hanash ng netizens sa kaniyang post.