February 25, 2026

Home BALITA National

Sen. Bato nakaluhod, taimtim na nagdarasal sa loob ng simbahan!

Sen. Bato nakaluhod, taimtim na nagdarasal sa loob ng simbahan!
Photo courtesy: File Photo, Nancy Dela Rosa (FB)

Ibinahagi sa publiko ng misis ng senador na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang larawan niyang taimtim na nagdarasal sa loob ng simbahan. 

Ayon sa inupload na larawan ng misis ni Dela Rosa na si Nancy Dela Rosa sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Pebrero 25, 2026, makikita ang senador na nakaluhod at tila nagdarasal. 

Panalangin ng misis ng senador sa kaniyang caption, naniniwala daw siyang hindi sila bibiguin ng Diyos sa kabila ng mga kabiguan na nilang nararanasan. 

“When all else fails, I know You alone will never fail us,” saad niya. 

Photo courtesy: Nancy Dela Rosa (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Nancy Dela Rosa. 

National

Usec. Castro, sa mga inuuna politika: 'Mag-isip-isip, baka hindi kayo qualified!'

Matatandaang kasama si Dela Rosa sa binanggit ng International Criminal Court (ICC) bilang co-perpetrators umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs mula 2011 hanggang 2019. 

Bukod kay Dela Rosa, nakaladkad din ang pangalan ng kapuwa niya senador na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at iba pang mga dating opisyal ng Philippine National Police (PNP). 

Huling dumalo si Dela Rosa sa mga plenary session ng Senado mula pa noong Nobyembre 11, 2025, matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas umano ng arrest warrant laban sa kaniya ang ICC. 

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC

KAUGNAY NA BALITA: Pag-absent ni Sen. Bato sa Senado, sinupalpal ng ethics complaint ng isang grupo!

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita