February 26, 2026

Home BALITA Metro

Selosong ex-convict, itinuturong nagpasimula ng sunog sa ilang kabahayan sa Intramuros!

Selosong ex-convict, itinuturong nagpasimula ng sunog sa ilang kabahayan sa Intramuros!
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Isang ex-convict ang itinuturo ng ilang residenteng naapektuhan ng sunog sa Intramuros, Maynila nitong Miyerkules, Pebrero 25, 2026, bunsod umano ng selos.

Ayon sa ulat ng MANILA BULLETIN, matinding selos sa kaniyang asawa ang nagdulot sa itinuturong lalaki upang buhusan ng gasolina ang sarili nilang bahay at saka ito sinindihan.

Ayon kay Barangay 655 Chairman Johny Yacub, kakalaya lamang ng lalaki sa piyansa gabi bago ang insidente.

Batay sa pahayag ng mga residente, nagalit umano ang suspek nang malaman na iniwan siya ng kaniyang asawa para sa ibang lalaki. 

Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na kabahayan sa lugar, na nakaapekto sa hindi bababa sa 300 bahay at tinatayang 600 pamilya.

Metro

'Direct assault,' isa sa mga kasong pwedeng isampa sa 2 raliyistang inaresto sa EDSA

Sinasabing nagawa pang makuyog ng ilang apektadong residente ang lalaki bago dumating ang mga awtoridad at saka siya naaresto.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ang lalaki at maaaring maharap sa mga kasong arson at reckless endangerment.

Mabilis naman ang naging pagresponde ng mga bumbero mula sa iba’t ibang istasyon habang makapal na usok ang bumabalot sa siksikang komunidad.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang mga lokal na opisyal upang makapagbigay ng tulong sa mga residenteng nawalan ng tirahan, kabilang ang mga estudyante, manggagawa, at maliliit na vendor sa Intramuros.