February 25, 2026

Home BALITA National

'Kung gaano ka-traffic ang EDSA, ganoon din ang pangakong reporma nito!' -Cendaña

'Kung gaano ka-traffic ang EDSA, ganoon din ang pangakong reporma nito!' -Cendaña
Photo courtesy: Vincent Gutierrez/BALITA


Ikinumpara ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang aniya’y mga natrapik na repormang bitbit ng makasaysayan at mapayapang EDSA People Power Revolution I sa trapikong mayroon ang kalye ng EDSA.

Sa ikinasang ikatlong Trillion Peso March, na isinabay sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I nitong Miyerkules, Pebrero 25, idiniin ni Cendaña na isa sa mga pangako ng rebolusyon ay ang pagtapos sa korapsyon at dinastiya.

“Kung gaano po ka-traffic ang EDSA, ganoon din ang nangyari sa mga pangakong reporma nito. Na-traffic 40 years na. Kung matatandaan po natin, ang isa sa pangako ng EDSA, wakasan ang korapsyon at singhalaga nito, wakasan ang dinastiya,” saad ni Cendaña.

Giit pa ng kongresista, malinaw ang mandatong ito na nakasaad mismo sa Konstitusyon ng Pilipinas.

“1987 Constitution, malinaw ang mandato, wasakin, tapusin ang mga dinastiya sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon, natatrapik pa ang repormang ito,” anang kongresista.

National

Usec. Castro, sa mga inuuna politika: 'Mag-isip-isip, baka hindi kayo qualified!'



“Kaya ang panawagan natin, sa araw na ito, 40 years after the EDSA Revolution, panahon na para wakasan ang dinastiya, sundin natin ang People Power Constitution,” pagtatapos niya.

Matatandaang nakasentro ang nasabing kilos-protesta laban sa malawakang katiwaliang nagaganap sa bansa, at ang pagbuwag ng political dynasty sa Pilipinas.

Vincent Gutierrez/BALITA