Naaresto ang isang lalaki matapos umanong magnakaw at tangkaing tumakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Cavite.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A, kinilala ang suspek sa alyas na “Daniel.” S
a paunang imbestigasyon, pumasok umano siya sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng isang hindi naka-lock na bintana at kinuha ang cellphone ng may-ari.
Nakita mismo ng biktima ang suspek habang isinasagawa ang pagnanakaw kaya agad itong humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.
Pagdating ng mga rumespondeng barangay personnel, sinubukan umano ng suspek na makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalawang palapag.
Gayunman, bumagsak ito sa isang barangay tanod na nakapuwesto sa ibaba, dahilan upang masugatan ang tanod.
Agad na naaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng General Trias Component City Police Station. Narekober din ng mga awtoridad ang ninakaw na cellphone at naibalik sa biktima.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong robbery with physical injury.