February 26, 2026

Home BALITA Politics

‘Ito ay malinaw na paghihiganti!' Makabayan bloc, pinalagan 'maleta issue' laban sa kanila

‘Ito ay malinaw na paghihiganti!' Makabayan bloc, pinalagan 'maleta issue' laban sa kanila
Photo courtesy: House of Representatives

Mariing itinanggi ng tatlong dating mambabatas ng Makabayan bloc ang alegasyong tumanggap sila ng mga maleta na umano’y naglalaman ng pera bilang kickback mula sa maanomalyang flood control projects.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Pebrero 25, 2026, pinabulaanan nina dating ACT Teachers Rep. France Castro, dating Gabriela Rep. Arlene Brosas, at dating Kabataan Rep. Raoul Manuel ang pagkakadawit sa umano’y cash deliveries na nakasaad sa isang hindi pa pirmadong pahayag.

“Mariin naming pinabubulaanan ang mga paratang na ito. Malinaw ang track record ng Makabayan na hindi nagpapayaman sa pwesto. These are fabricated charges designed to intimidate us and to undermine the people’s quest for truth and accountability,” ayon sa kanilang joint statement.

Ayon sa tatlo, layon umano ng akusasyon na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) at sa nalalapit na impeachment proceedings laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

“The timing of this unsigned statement is highly suspicious and reveals its true purpose: To discredit the legitimate investigations against the Dutertes by making it appear that these are politically motivated and funded by their political opponents,” dagdag pa nila.

Politics

‘Baka hanapin sa'kin ng asawa ko!' SP Sotto, dinaan sa biro 'maleta issue' laban sa kaniya

“This is a classic Duterte playbook- when cornered by evidence of their crimes and corruption, they manufacture lies and attack their accusers.”

KAUGNAY NA BALITA: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!

Iginiit din ng mga dating mambabatas na ang alegasyon ay paghihiganti umano kaugnay ng kanilang partisipasyon sa mga pagdinig ng House quad committee, na anila’y naglantad ng malawakang katiwalian at pang-aabuso na iniuugnay sa kampo ng mga Duterte.

“Ito ay malinaw na paghihiganti at pagtatangkang patayin ang kredibilidad ng mga kumilos upang ilantad ang katotohanan. The accusations are nothing but tsismis and guilt by association, devoid of any concrete details or evidence,” pahayag pa nila.

Binigyang-diin din nila na walang legal na halaga ang hindi pirmadong pahayag at anila’y indikasyon ito ng desperasyon ng mga nasa likod ng tinawag nilang black propaganda.

“Why release this now, precisely when Duterte faces ICC proceedings and Sara Duterte faces impeachment?” tanong ng grupo.

“The Filipino people will not be fooled by these diversionary tactics. The Dutertes cannot escape accountability for their crimes by manufacturing lies against those who dare to speak truth to power,” dagdag pa ng mga dating mambabatas.